Litratong Pinoy: Bulaklak

>> Thursday, February 26, 2009


Ang tagsibol ay palagi kong inaabangan dahil makikita kong muli ang kagandahan nang Sakura (Cherry Blossoms). Pero bago pa man namumulaklak ang Sakura ay nauuna ang Plum (Ume) Blossoms. Ang mga bulaklak na ito ay makikita mo sa Plum Orchard sa Osaka Castle.
Spring is on the things I look forward to because I get to see Sakura (Cherry Blossoms) once again. But before the Sakura appears, we get to see Plum (Ume) Blossoms. The flowers below could be seen at the Plum Orchard in Osaka Castle grounds.


closer...

closest...

Ang lahat nang mga nasa itaas ay larawan nang Ume (plum) blossoms. Pero hindi ko pa rin matukoy ang pagkakaiba nila nang Sakura (cherry blossoms). Pareho naman kasi silang magaganda.
The photos above are those of the plum blossoms. I still can't point any difference between the plum and cherry blossoms. Both are so beautiful!

19 comments:

Anonymous February 26, 2009 at 1:16 AM  

Sakura saku ano michi wo....bokura wa aru iteiru... :D

Napakanta pa! Paborito ko kasi ang Sakura, hinihintay ko lagi ang spring na dumating para makunan yan ng pictures, pero mas gusto kong makita sila sa Hanabi.

Happy LP!

paulalaflower♥ February 26, 2009 at 1:19 AM  

cherry blossoooooooooms! pangarap kong makakita nyan minsan man lang sa buhay ko.

heto ang aking lahok: http://olapaula.com/2009/lp-02262009-bulaklak/

Anonymous February 26, 2009 at 1:21 AM  

ako din, pangarap ko makapunta sa japan sa cherry blossom season. ang ganda talaga :)

LP:Bulaklak

Anonymous February 26, 2009 at 1:24 AM  

Ganyan pala itsura ng mga ume blossoms - hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba sa mga sakura - pero pareho silang maganda!

Naaalala ko na madalas mag-picnic ang mga Hapon tuwing cherry blossom season, di ba? Talagang ina-appreciate nila yung ganda ng kalikasan - galing!

Anonymous February 26, 2009 at 1:31 AM  

Ang gaganda! Malapit na ba ang Sakura?

Anonymous February 26, 2009 at 1:36 AM  

gusto ko ma experience ang cherry blossom. sana maapunta rin dyan minsan!
Happy LP

♥ mommy author ♥ February 26, 2009 at 2:12 AM  

ang ganda ng cherry blossoms!

arls February 26, 2009 at 2:28 AM  

aaaawwww. dream ko makakita ng magagandang cherry blossoms!!! kelan ang pagsibol nito?

happy huwebes ka-LP!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bulaklak-flower/

Anonymous February 26, 2009 at 5:21 AM  

Aww!! kahit hindi ako taga Japan, photos ng japan bloggers ang inaabangan ko dahil sa Sakura!
your photos are pretty...happy lp!

SASSY MOM February 26, 2009 at 7:00 AM  

Di pa ako nakakakita niyan at gusto kong makakita ng tunay ... kelan kaya?

Napakagandang tingnan.

Anonymous February 26, 2009 at 7:46 AM  

nakakaganda ng paligid talaga...napakaganda ang pagkakaayos nila na kumpul kumpol sa tangkay. maganda pa ang kulay.

ang aking mga bulaklak na may talulot sa Reflexes at Living In Australia

Anonymous February 26, 2009 at 8:22 AM  

Palagi kong nakikita sa TV ang mga Cherry Blossoms, lalo na tuwing festival. Ngayon ko lang nalaman na may Ume Blossoms din pala.

fortuitous faery February 26, 2009 at 1:17 PM  

i ♥ cherry blossoms! can't wait for spring to arrive!

by the way, i received your cool universal studios japan postcard! thank you! it's sesame street! weeeee! :)

i had a valentine movie marathon on the 14th...by myself, as well! and some ferrero rocher chocolates!

purplesea February 26, 2009 at 2:21 PM  

kelan din kaya ko makakakita ng ganyan? kelan kaya magkakaron g autumn dito sa Pinas? hehehe!

PEACHY February 26, 2009 at 6:05 PM  

pangarap ko rin makakita ng sakura, ang ganda kasi nila. Sana makapasyal din ako sa lugar na may sakura. Sa Japan lang kaya siya?

ito naman ang aking lahok

magandang huwebes!

Marites February 26, 2009 at 11:37 PM  

pangarap kong makakita niyan at makapunta sa isang lugar na punung-puno niyan. Gandang-ganda talaga.

Anonymous February 26, 2009 at 11:41 PM  

lovely colors...buhay na buhay (especially the last pic)!
have a great weekend :-)

HiPnCooLMoMMa February 27, 2009 at 9:02 AM  

mabango ba ang cherry blossoms? fave scent ko kasi yan sa bath and body works.

ganda ng pagkakakuha

agent112778 February 28, 2009 at 11:01 AM  

akala ko sakura yan :D

i love sakura too

mula sa puso eto aken lahok


magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP